You are here: Home > Blah > Paano Gumawa Ng Bayang Malaya

Paano Gumawa Ng Bayang Malaya

1. Una, mag-ipon ng tamang galit. Gatungan nang matindi ang sentimyento ng mga tao para lalong sumilakbo ang apoy ng kanilang ngitngit.

2. Maglabas ng malaking-malaking kaldero at punuin ito ng tubig. Siguraduhin na matibay ang kaldero at kaya nitong manatiling buo kahit isalang man ito sa impiyerno.

3. Hulihin ang lahat ng trapo. Paliguan at saboning maige para mawala ang sangsang ng buwaya.

4. Pakuluin ang tubig sa kaldero gamit ang galit ng mga taong kanina pa nagngingitngit.

5. Isa-isang itapon ang mga trapo sa malaking kaldero. Hindi kailangang maging maingat sa paglagay. Kung kayang i-syut sila na parang basketbol, mas mainam.

6. Pakuluan hanggang pumuti hindi lang ang kanilang budhi kundi pati buto na rin.

7. Pag luto na, ibuwal ang kaldero at ipakain ang laman sa aso. Dapat merong beterinaryo na madaling matawag. Merong mga bagay sa mundo na kahit aso ay di kayang sikmurain.

Paulit-ulit na gawin ang prosesong ito hanggang sa meron nang nakikitang pagbabago sa bansa, pati na sa pamamalakad nito.

Kapag meron na namang nagpapakita ng kanilang ganid, o di kaya’y magtangkang patakbuhin sa eleksiyon ang kanilang asawa, anak, kapitbahay at kabit, siguraduhing marinig nila ang kalembang ng hinahandang kaldero para matamnan sila ng takot sa Diyos.

Maligayang Araw ng Kalayaan.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Twitter
  • RSS

One Response to “Paano Gumawa Ng Bayang Malaya”

  1. [...] Models Through The Fire By The Roadside Talking About The Weather Paano Gumawa Ng Bayang Malaya On Becoming The Big Cheese The Working Rebel Somnambulist Smile Like You Mean It For The Love Of [...]

SEO Powered by Platinum SEO from Techblissonline